| |
| |
| Bakit
Baliktad Magbasa ng Libro |
| Ang Mga
Pilipino? |
| by Bob
Ong |
|
|
|
| |
|
|
Ngayong NKKBSKNTLG,
eto na ang sequel...
dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere,
may New Testament ang Old Testament,
at may Toy Story 2 ang Toy Story!
Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan
ang Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga
taong umaakyat ng overpass pero hindi naman
tumatawid. Pero alam mo na rin ba kung bakit sa
ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Kung
ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino sila
Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima?
Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano
ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang
alam ni Claire Danes na hindi mo alam? At kung bakit
nagbabasa pa rin ang mga Pilipino kahit sabihan pang
"Bawal Basahin ang Nakasulat Dito"?
|
|
|
|
| |
Nang isulat ko ang
"ABNKKBSNPLAko?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong,"
ipinakilala ko sa mga dating mambabasa ng Bobong Pinoy Dot Com
ang tao sa likod ng nasabing website. Sa wakas, nasagot na
rin ang makulit na tanong na "Taga-U.P. ba si Bob Ong?"
...Yun nga lang, hindi pa rin doon nagtapos ang usapan.
Dahil para naman sa mga ngayon pa lang nakabasa ng mga kwentong
barbero ni Bob Ong, umikot lang ang tanong sa pinagmulan nito:
"Ano ang Bobong Pinoy Dot Com?"
|
| HOME |
BOOKS |
FAQS |
FORUMS | EMAIL |
| |
| |
|
|
|
|