October 23, 2014, 12:49:52 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News: SMF - Just Installed!
 
   Home   Help Search Calendar Login Register  
Pages: 1 2 [3] 4 5
  Print  
Author Topic: Balagtasan (maganda o panget?)  (Read 37374 times)
lakandiwa
Green Book Guru
*****

Karma: +5/-0
Posts: 104


idol!


View Profile
« Reply #30 on: April 08, 2008, 09:41:18 PM »

mukhang dumadami na ang kabobong makata
nailalabas bigla ang talento sa pagtula
tingnan mo si posh pink tila tuwang tuwa
panira nga lang sa sagot na di patula

salamat batang sutil sa pangangalampag
tuloy tuloy ang balagtasan wag kang mabagabag
sagot ni sam ay kanya nang inilatag
sa itlog nyang sagot agham ang kanyang kalasag

itong si meress na lagi akong ginugulat
di mo iisiping bata sa kanyang mga banat
pati misteryo ng langit pilit hinahalungkat
pati sakit ng umiibig sinusubok masukat

salamat mamai paradise sa iyong pagsagot
kay alex din kahit walang sense pangtangal lang ng bagot
biro lang syempre baka ako ay malagot
dahil itong si haleks ay merong panakot.

sa palagay ko mga kabig ay dapat ko na tapusin
para bigyan daan ang mas nakatutuwang usapin
ang itlog daw ang una ayon sa diksyunaryo natin
pero kung sa mga kano mas nauna ang chiken

kung alin man ang nauna depende na sa paniniwala
depende sa lohika depende sa pangunawa
sa palitan ng tula sana kayo ay natuwa
tuloy tuloy lang ang balagtasan hanggat may makata


« Last Edit: April 08, 2008, 09:46:12 PM by lakandiwa » Logged

lakandiwa
Green Book Guru
*****

Karma: +5/-0
Posts: 104


idol!


View Profile
« Reply #31 on: April 08, 2008, 10:11:22 PM »

salamat sa mga nakipagdebate
pero warm up lang yan mga pare at mare
sa bagong usapin maghanda ng matindi
sino ba ang magaling lalaki ba o babae

ito ang usapin na wala yatang katapusan
humanda na ang mga makakata sa matinding batuhan
sa mga alanganin pumili na ng papanigan
kung ayaw naman madamay ay manood ka na lamang

game na! simulan na ang bakbakan!
mauna na maghamon kung sino ang matapang
si babae ba o si lalake sino ba talaga ang lamang
ang bagong balagatas akin nang binubuksan





Logged

trigger007
Orange Book Guru
********

Karma: +1/-2
Posts: 1986


I am the master of myself...

joersaulo@hotmail.com
View Profile
« Reply #32 on: April 08, 2008, 11:28:13 PM »

di naman sa meron akong pinapanigan;
pero para sa akin isa lang ang lamang;
para sa akin lalake ang lamang;
tingnan mo sa bayani sino bang mas lamang;

nadyan si andres, si rizal, si mabini;
ilan lamang silang matapang na masasabi;
isama mo pa si aquino't davide;
teke teka, si pacquiao ba bayani...

itoy ilan lamang sa aking opinyon;
di ko hunuhusgahan inyong disposisyon;
di naman away ang nais ko ngayon;
nais ko lamang mag post dito ngayon...



***ang gulo***
Logged

muling nagbabalik........... eb tayo???
batang_sutil
Orange Book Guru
********

Karma: +7/-0
Posts: 1521


Wag nyo akong uutusan, mapapahiya lang kayo..


View Profile
« Reply #33 on: April 09, 2008, 05:06:34 AM »

Kasabay ng pagbuhay ng thread na nahimlay
ay ang pagsulpot ng isang kabobong matagal na'ng nawalay
sa mga dati nang thread, nabasa ko ang kanyang mga sanaysay
si trigger007 sa forum muling wumawagayway.

Bago na ang topic kaya ako ay titindig
lalaki ba o babae sino ang mas agtig?
mga girls wag na'ng tumaas ang kilay
sa aking ibabanat sigurong wala itong sablay.

Walang kaduda-duda mga lalaki ang matibay
sa pisikal man o mentalidad hindi kayo makakasabay
nanjan ang mga scientists na tulad nina Einstein
at hindi bat lalaki din ang anak ng diyos na si Jesus Christ?

Sa mabuti man o kabulastugan, mga lalaki ang nanjan
mga imbentor ng teknolohiya sila lahat ang sandigan
sa giyera man o ano mang uri ng pagtatanggol sa bayan
mga lalaki ang namamayagpag, ang mga babae ay iilan lamang.

Oops! girls tama na, wag nyo na'ng ihirit
na 'hindi kami mabubuhay na'ng wala kayo' wag nyo na'ng ipilit
sa bagay na yan, pantay lang ang laban
pero sa iba pang batayan, wala na kayong laban.

Maaring sabihin nyong under nyo si mister
na sunud-sunuran sa inyong pang-i-stir
sana'y inyong isipin hindi ito tanda ng pagsuko namin
bagkus ito'y pagpapakita ng wagas na paglalambing. *naks naman jan,  Grin*
kaya paki-usap wag nyo kaming sasagarin.

Lalaki ang astig, lalaki ang cool
kami ang sanhi ng inyong pagbukol  Grin
sa aming pamantayan, maarin kayong humabol
pero di kayo aabot, pwera na lang kung lalasingin nyo kami sa alkohol.  Grin

*bow*





Logged

....ay, ayoko nga!
meress
Red Book Guru
**********

Karma: +28/-3
Posts: 5437


Play to Insert Coin

meress_1213
View Profile
« Reply #34 on: April 09, 2008, 05:27:57 AM »

babae o lalake, sino nga ba?
ang mas magaling; ang mas makata..
ngunit ang bawat isa ay may kahinaan hindi ba?
hindi kaagad masusukat kahit anong gawa.

kung ikaw ay babae, babae ang sagot
kung ikaw ay lalake, lalake ang tugon
ngunit dapat pa nating pag isipan buong maghapon
kadalasang nagbubunga sa away; ay lagot.

ang babae natututong maging praktikal
bihasa sa gawain, magluto, mamalantsa o maglabada.
ang lungkot ng lalake natatanggal
ang mga problema, magkasamang tinutuligsa.

ang lalake ipinanganak nang malakas
matipunong kaatawa'y sa kanya likas.
hindi ko sinasabing ang babae'y mahina
ngunit sa dami na ng gawain ng babae, ito'y mga trabaho nya na.

wag nating kalimutan ang prinsipyong "yin at yang"
at ang "men and women are equal"
parehas sila'y may kalakasan at kahinaan malamang,
upang sa mundo, sila'y magsama ng matagal.

kailangan nila ang bawat isa,
hindi pwedeng babae lamang ang sa mundo'y nakatira.
ganoon din naman sa lalaki;
parehas sila'y may kagalingan sa kanilang mga sarili.

pano lolobo ang populasyon?!
pano--teka nawawala nako sa paksa (XD)
di ako pumapanig sa kahit saan; yoon ang aking tugon.
ang bawat kasaria'y may kahinaang pilit tinutuligsa.

habang tinutuligsa nila ang nasabing kahinaan,
dito na lubos naipapakita ang kagalingan.
imbis na tungkol sa sinong mas magaling
sa bawat isa ay ating pinagpapasaringan,
sa ikauunlad ng bayan, bakit di nalang magtulungan?
tama na yang galing galing, heto kumain ka ng saging.

(abot ng saging ke lakandiwa)



Logged
lakandiwa
Green Book Guru
*****

Karma: +5/-0
Posts: 104


idol!


View Profile
« Reply #35 on: May 05, 2008, 02:54:41 AM »

salamat mga kabobo sa inyong pagsagot
sa tagal ko bago magsalita sana ay di kayo nabagot
nagiintay lamang ako na may iba pang lalahok
lamang na kasi ang lalaki sa nakaraang tatlong post

kahit malabo ang pagkakasabi malinaw naman ang mensahe
ang mga salita ni trigger007 panig na panig sa lalaki
ginawa pang halimbawa ang ating mga bayani
ultimo boksingero kanyang isinasali

at itong si sutil tila naghuhurumentado
kung bumira ay feeling agad ay nanalo
hindi pinaligtas pati siyentipiko
at pati si Hesus ay idinamay ng loko

itong namang si meress medyo maingat ang tira
tumayo ng matikas sabay biglang pumagitna
may kahinaan at kalakasan daw kahit sino sa kanila
kala ko pa naman ipagtatanggol ang bandera nila eba

2-0 ang score lamang ang kalalakihan
wala ba ni isang babae ang makikipagtagisan
hayaan na lang bang kayo ay nalalamangan
tumayo na kayo at humandang makipaglaban
Logged

akosialexandria
Red Book Guru
**********

Karma: +45/-47
Posts: 4465


munimunimunimuni

zforzonly@yahoo.com
View Profile
« Reply #36 on: February 22, 2009, 11:54:58 PM »

akin lamang iaangat itong thread na natabunan..
isang balagtasan na kung sansan ang kinhihinatnan..
hindi ko lam kung mapapansin ba ito o hindi..
mahalaga lamang na ang inyong ideya ay maibahagi..

ngunit nakakalungkot naman kung walang mamagitan..
itong lakadiwa'y nawawala sa kasalukuyan..
ttry ko nga xang kontakin..
at pipiliting pabalikin..
Logged

keep the music playing.. Cheesy Tongue Cheesy

romanding
Red Book Guru
**********

Karma: +12/-12
Posts: 3158



View Profile
« Reply #37 on: February 22, 2009, 11:59:54 PM »

kay saya naman na aking natagpuan
ang thread na ito na mistulang natabunan
sa wakas makakapag bahagi pa ako
ng mga salitang nagmula sa aking ulo

mga salitang sadyang kay babango
pakiramdam ko tuloy akoy nasa paraiso
hali kayo at akoy paliguan
ng mga salitang tinatawag na balagtasan...

owyeah!!
Logged

F E E D M E P L E A S E!!!!! T H A N K  Y O U!!!!!!


Feed Me!

Adopted from Valenth
lakandiwa
Green Book Guru
*****

Karma: +5/-0
Posts: 104


idol!


View Profile
« Reply #38 on: February 23, 2009, 12:48:13 AM »

sandali mga kaibigan, hindi naman ako nawala
tahimik ang balagtasan dahil walang nagsasalita
wala na bang magtatanggol sa kampo  nila eba?
at ang mga kabaro ko ba ay kailangan nang magsaya?

pero masyado atang mabilis kung agad na tatapusin
maghintay pa tayo ng kaunti para di tayo mabitin
malamang na may hihirit pa hintayin lang natin
baka ang mga naiisip ay ikinahihiya lang sambitin

sa mga makakata kong kaibigan
kayong lahat ay aking tinatawagan
magpakitang gilas dito sa balagtasan
ipakita ang gilas at makipagsabayan

lalaki ba o babae? sino ang papanigan?
bigkasin na ang mga naglalaro sa inyong isipan
tama man yan o mali, huwag nang mag-alangan
at makakaasang di namin kayo pagtatawanan.
Logged

romanding
Red Book Guru
**********

Karma: +12/-12
Posts: 3158



View Profile
« Reply #39 on: February 23, 2009, 01:01:00 AM »

o lakandiwa ikaw na ba yan?
ikaw na nga lakandiwa ang sinasabi ng iyong pangalan
nandito ako para hindi makipagtalo
o ibahagi ang opinyon ko
tungkol sa kung sino ang magaling
at sino ang totoong bibo

dahil nababatid ko walang nagpopost na babaeng kabobo
kaya ako muna ay uupo manunuod at iinom ng milo
sana naman sa mga babaeng kabobo
isambulat nyo na ang nais nyong sabihin dito

dahil sa saking palagay lahat kau ay matitibay
kaya hali na at lumaban kayo with matching pamaypay
aking inaasahang may darating pang labanan
mula sa mga babae na aking lubos na iginagalang..


akoy magbibigay pugay palakang makata sa inyoy kumakaway!!


-kokak!!
Logged

F E E D M E P L E A S E!!!!! T H A N K  Y O U!!!!!!


Feed Me!

Adopted from Valenth
akosialexandria
Red Book Guru
**********

Karma: +45/-47
Posts: 4465


munimunimunimuni

zforzonly@yahoo.com
View Profile
« Reply #40 on: February 23, 2009, 01:01:58 AM »

etong si batang sutil masarap batukan
kung hindi naman ay aking dadagukan
wak mo sabihng hndi namin kayang pantayan
ang pamantayan mong tinutukoy na mukang pagmamayabang lamang..

eh teka nga muna..
nariyan ka na pala..
kaibigang lakandiwa
na matagal na nawala..

naway mapadaan ka muli kahit di palagi
at ibahagi sa madla ang mga salita mong maluwalhati..


nyahaha!!!
 Cheesy Cheesy Cheesy
Logged

keep the music playing..

tambay
Red Book Guru
**********

Karma: +9/-1
Posts: 5190


View Profile
« Reply #41 on: February 23, 2009, 01:57:02 AM »

akosialexandria wag nang mabahala
sapagkat nandito na ang iyong kasangga
aba teka, at naririto pala ang makata
maligayang pagbabalik sa iyo lakandiwa

ano bang meron ngayon sa balana?
pasensya na at tila ako ay natatanga
hindi ako sanay, namimilipit aking dila
unang sabak ko ata ito sa pagtutula

*ubo*

makatwiran ba kung aking sasabihin
na lalaki ang siyang aking papanigan?
akosialexandria, wag mo akong babatukan
nais ko lang naman ika'y aking subukan

si batang_sutil ba ang ating pagtutulungan
ang magiting na lalaking naghamon ng laban?
bweno wag mag-alala at akin siyang sesermunan
ang mahaba niyang post aking pakikialaman

mawalang-galang kay batang_sutil kong kabobo
tila ikaw ay labis na nasiyahan sa iyong monologo
naisantabi yata ang basehan ng iyong mga katwiran
natural kayo ang bida sa patriyarkal na lipunan

walang duda ang Diyos at si Hesukristo ay lalaki
subalit wag magmagaling, sa Genetics ika'y maghunos-dili
pagkat sa siyensa, si Hesukristo'y babae, alam mo ba?
sa immaculate conception, imposibleng magsilang ng lalake si Maria

sa iyo na rin mismo nanggaling
maging sa kabulastugan kayo'y magaling
kaya kami'y hindi na nagtataka
kung bakit sa daigdig walang katapusan ang mga giyera

hindi namin kailangang sa inyo'y humabol
kayo (hindi kami) ang "astig," kayo (hindi kami) ang "cool"
kung ganyan din lang ang pamantayan ng inyong kagalingan
ay mabuti pang magligpit at maghugas na lang ng pinagkainan

ang problema sa kalalakihan, ulo ay nasa kalangitan
palibhasa'y saligan ang sistema ng sangkatauhan
kaya madali sa inyo magmagaling at magbida
gayong "no idea" pala na di-patas itong arena

sa isang lipunang kinakahon ang mga kababaihan
anong katwiran kaya ang maaari naming ilaban?
sa anong larangan kaya namin maipagmamalaki ang aming kalakasan ---
kaming mga kababaihan na mula't sapul nagbabata sa kahirapan

wari bagang mga zombie sa Stepford wives na pelikula
at minsan sa isang taon lamang kung kami'y kinikilala
kaming sinanay mag-sakripisyo, magtiis, at magpakita ng kababaang-loob
simply put, kaming hindi pumapatol sa kalabang pag lasing ay nambubugbog?


*inom tubig*

« Last Edit: February 23, 2009, 04:07:02 AM by tambay » Logged
akosialexandria
Red Book Guru
**********

Karma: +45/-47
Posts: 4465


munimunimunimuni

zforzonly@yahoo.com
View Profile
« Reply #42 on: February 23, 2009, 04:31:49 AM »

nyahaha!!!
ikay aking inimbitahan para ako'y panigan..
pero okey lang naman dahil may sarili kang kaisipan..
walang problema kahit saan bumanda
dahil maganda naman ang iyong ideya

kaninang post ay binura..
impeyrness lang ha..
mas makahulugan naman pala ang ipapalit..
na ako nama'y talagang napangiti..



hmmm...
isang rekwes langlakandiwa
baka pede ng palitan
ang topic na
nung isang taon pa inumpisahan

kung hihingiin mo ay suhestiyon
un ung di ko pa maibibigay
baka sakaling ang iba
tayo ay makakuha
Logged

keep the music playing..

lakandiwa
Green Book Guru
*****

Karma: +5/-0
Posts: 104


idol!


View Profile
« Reply #43 on: March 05, 2009, 01:52:10 AM »

aba nga naman tambay, ako ay iyong binigla!
damang dama ko ang matatalim na salita
kung nakakasugat lamang ang iyong mga letra
malamang ay duguan na si sutil sa dami ng tama

at ito namang si akosialexandria
mukhang tagamasahe lamang ng mga panig kay eba
di ka pa himihirit. nasaan ang iyong mga ideya?
o di mo na trip ang topic at naghihintay ka lang mag-iba?

salamat naman romanding sa iyong panonood
sana ay nalibang imbes na mapagod
sana ay makisabat na sa mga topic na susunod
may matutwa ka panigurado kaysa lang nakatanghod

hindi ko muna isasara ang topic na ito
baka si sutil ay hihirit pa at hindi magpapatalo
tigisa pa munang salita sa magkabilang kampo
bago ang usapin ng pagalingan ay ating ikandado

humirit na ang hihirit magsalita na ang magsasalita
walang pipigil sa inyo kahit pa kayo ay magwala
rumemate na ang reremate walang awa awa
lumabas na ang mga nagtatagong makakata
Logged

romanding
Red Book Guru
**********

Karma: +12/-12
Posts: 3158



View Profile
« Reply #44 on: March 05, 2009, 02:55:06 AM »

yaman din lamang na matatapos na ang pakikibaka
sa kung sino ang magaling at totoong bida
tapos na kong magmilo at akoy magsasalita na
sasabihin ko na at hindi na magpapatumpik tumpik pa


sa aking palagay halos patas lang ang dalawa
si babae at si lalake halos walang pinagkaiba
pero pasintabe lang sa mga babae kung maari
sa mga susunod na mga salitang aking ibabahagi


sino nga ba ang mga dahilan sa mga sumusunod
sa pagkain ng mansanas si adan ay sumunod
at sa pagkaka lugmok ni samson sa lupa
walang dudang babaeng ang may gawa

at kung sasambitin ang istorya ni cleopatra
siguro naman marahil ay alam nyo na
madalas tlgang babae ang naguumpisa
sa mga hindi inaasahang aberya..

kaya ko nasabing halos patas lamang ang dalawa
dahil kitang kita naman walang kaduda duda
sa ibat ibang aspeto angat ang bawat isa
sa kanila to sa amin naman ay ganito parang ganun diba?..


hahahaha...
Logged

F E E D M E P L E A S E!!!!! T H A N K  Y O U!!!!!!


Feed Me!

Adopted from Valenth
Pages: 1 2 [3] 4 5
  Print  
 
Jump to:  

 
Powered by MySQL Powered by PHP bluBlur Skin 2006, hbSkins
Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!