September 01, 2014, 11:12:39 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News: SMF - Just Installed!
 
   Home   Help Search Calendar Login Register  
Pages: 1 [2] 3
  Print  
Author Topic: DEATH PENALTY: OO O HINDI?  (Read 7428 times)
SMB Chairman
White Book Guru
*********

Karma: +0/-1
Posts: 2038


Cheers!


View Profile WWW Email
« Reply #15 on: December 30, 2003, 08:18:44 PM »

Sir imbisibol!

Pwede bang papalipat 'tong topic sa mga high IQ???

This is too HEAVY for the frivolous section...!!!!


 :tongue:  :roll:  :dancetongue:
Logged

Itaas mo!
Kahit kailan - kaibigan!
smb - Walang katulad!
Sa Langit wala nang beer - thats why we drink it here!
cnobaako?
Black Book Guru
*******

Karma: +0/-0
Posts: 669


a little sleep, a little slumber...


View Profile
« Reply #16 on: January 04, 2004, 01:48:49 AM »

:angel: Kill all those who have committed heinious crimes. :evil:
Logged

redbelt
Moderator
Red Book Guru
*****

Karma: +1/-1
Posts: 3658



View Profile Email
« Reply #17 on: January 28, 2004, 05:02:39 AM »

dapat siguruhin muna na yung bibitayin ang talagang nagkasala...... kawawa naman pag nabitay yung mga inosente. :roll:  :roll:  :roll:
Logged

If a thing is worth doing, it is worth doing well....
Ella Chen
Knights
White Book Guru
*****

Karma: +25/-5
Posts: 2361


ellachen0417
View Profile
« Reply #18 on: January 28, 2004, 05:52:23 AM »

Alam mo redbelt, mawalang galang na lang, pero sa comment mo parang ang dating e pabor ka na rin sa death penalty - "basta walang madadamay na inosente".

Kasi, ang isyu dito ay kung payag ba kayong hatulan ng kamatayan yung mga nagkasala. Medyo hiwalay kasi yung usapan tungkol sa kainosentehan nung mga hahatulan: ke may death penalty man o wala ang endresult pa rin nyan e mayroong napaparusahan na inosente at may kriminal na nakapamumuhay ng malaya - ang problema e hindi yung validity ng death penalty kundi yung efficiency ng paghuli sa mga gumawa ng masama at pagpapatunay kung totoo ngang nagkasala sila. Hindi naman magandang gamiting dahilan yung "Normal na namang may napapagbintangang inosente e - nangyari na yan dati!" kung may konting gusot yung blouse mo dapat pinaplantsa, pangit yung gugusutin mo na yung buong damit mo para lang pumantay.

At pasensya na, hindi ko rin binibili yung tenet na If we take a murderer's life then we as a society are no better than he is kasi ingglis yun, at nahihirapan akong magtranslate. Pero sabi ni pareng Dennis dati : I'm not an elitist snob - I don't think I'm better than anyone. Fry the motherfucker!

Kaya pagkalipas ng dalawandaang salita na naglalaman ng syamnaraananimnapu't tatlong letra ay wala na kong ibang maidadagdag pa maliban sa "Oo, pabor ako sa death penalty."
Logged

Quote from: Halo82
And you're like the idiot who thinks they're big shit 'cause they have seniority at a fucking website.
redbelt
Moderator
Red Book Guru
*****

Karma: +1/-1
Posts: 3658



View Profile Email
« Reply #19 on: January 28, 2004, 05:58:59 AM »

alam mo rin ella, may sagot na ko sa topic na to, nasa 1st page, and malinaw dun na hindi ako pabor sa death penalty... medyo binuhay ko lang tong issue kse di ba may nakatakda nang bitayin sa Friday, 1/30/04 at 3pm? :?

o hindi ako galit ha :lol:
Logged

If a thing is worth doing, it is worth doing well....
Ella Chen
Knights
White Book Guru
*****

Karma: +25/-5
Posts: 2361


ellachen0417
View Profile
« Reply #20 on: January 28, 2004, 06:02:08 AM »

Aba kung ganun ay hindi na rin ako pabor sa death penalty. Ano na lang mangyayari sa buhay natin bilang mag-asawa kung pati ba naman yang dyaskeng death penalty na yan e hindi pa rin natin mapagkasunduan. Hah, kaya ayoko na sa iyo death penalty! Pfaah! I reject you! Back to your unloving mothers!
Logged

Quote from: Halo82
And you're like the idiot who thinks they're big shit 'cause they have seniority at a fucking website.
Gezz
Guest
« Reply #21 on: January 28, 2004, 06:06:03 AM »

Ella kaano ano mo si Loren Legarda?
Logged
redbelt
Moderator
Red Book Guru
*****

Karma: +1/-1
Posts: 3658



View Profile Email
« Reply #22 on: January 28, 2004, 06:14:01 AM »

Quote from: ella
Aba kung ganun ay hindi na rin ako pabor sa death penalty. Ano na lang mangyayari sa buhay natin bilang mag-asawa kung pati ba naman yang dyaskeng death penalty na yan e hindi pa rin natin mapagkasunduan. Hah, kaya ayoko na sa iyo death penalty! Pfaah! I reject you! Back to your unloving mothers!


tuloy ba kasal natin?!  :shock:  eh pano na si buruguduy???!!! :crazyeye:  :crazyeye:  :crazyeye:

basta lang, pag-isipang mabuti ng gubyerno ang bawat paghatol na gagawin nila. :?
Logged

If a thing is worth doing, it is worth doing well....
red army


Karma: +0/-0
Posts: 1


View Profile
« Reply #23 on: January 29, 2004, 02:56:45 AM »

sa present situation ng judicial sysyem natin, i would say na anti-death penalty ako...pano ba naman karamihan naman ng nasa death row ngayon ay yung mga inmates lang na walang financial capability para ilaban yung kaso nila...sa ganyang kalagayan malamang may mga pagkakataon pa  na inosenteng preso ang napaaprusahan ng kamatayan.

kapag kaya na ng judicial sysyem natin na ipatupad ang death penalty sa may mga dambuhalang pagkakasala sa bayan...kahit ako pa ang magvolunteer na executioner...am talking of the plunder case of erap na death ang parusa...o kaya lalo na ang mga katulad na ginawa ni Marcos kung saan thousands ang pinahirapan, tinorture, pinatay....

[/b]
Logged
pinay23
Knights
White Book Guru
*****

Karma: +5/-1
Posts: 2070



View Profile
« Reply #24 on: January 29, 2004, 03:12:20 AM »

napag-usapan na ang death penalty dito sa kyawkyawan dati pa. and without bias, masasabi kung mainit ang takbo ng mga posts dun esp. sa mga ideas ni marcky on anti-death penalty vs SMB Chairman & kul_siztah on pro-death penalty.

pasensya na pero sa muli, i just would like to emphasize, amplify and echo (hehe, redundant pero may naalala lang ako sa phrase na to) ang stand ko on death penalty.

Quote from: pinay23
At first blush, napaka-tempting maging Pro-Death Penalty.  Lalo na pag naaalala kong kinidnap at pinatay ang batang Coke executive na si Betti Sy, ang iyak at hitsura ng mga batang nasugatan at namatay sa Rizal Day bombing ng LRT, ang kaawa-awang hitsura ng mga naiwan ng biktima - ang sarap din patayin sa harap ng madla ang mga walang-awang kaluluwang pumaslang sa kanila! Lalo na siguro when it’s closer to home, iisipin ko ring tama lang ang death penalty sa kanila.

But probing deeper, “penalty” nga ba ang death penalty? May point ang sabi ng Prof ni Legardored.  Karagdagan dun sa rason nya, hindi ba’t mas magdudusa ang salarin at mas matagal ang pagdurusa nya kapag sya ay habang-buhay na nakapiit sa mabaho at maliit na selda kasama ng mga mababahong halang ang kaluluwa tulad nya? Hindi ba’t mas labis na maghihirap ang salarin pag habambuhay ay nagtitiis sya sa kakarampot at maruming pagkain sa selda, araw-araw nararamdaman nya ang hirap nang maging bilanggo, gabi-gabi uusigin sya ng konsensya nya, araw-araw naghihintay kung sinong dadalaw sa kanya, at kung dumalaw man ang pamilya nya ay umiiyak ang asawa’t anak nya? Mas mahirap mabuhay nang ganun, nabubuhay ng walang pag-asa…malamang sya na mismo ang mag-iisip wakasan ang buhay nya.  

Ang tanong dito ay KUNG makatakas ang kriminal.  Ay kailangan natin ay ang TAMANG pagpapatupad ng batas, iwasang makatakas ang mga criminal, patalsikin ang mga bayarang pulis, HINDI death penalty. Kung sa batas lang, ang dami na nating pinasa, pero anong nangyayari?  Lalong lumalala, lalong marami ang nabibigyan ng kapangyarihang pagsamantalahan ang kapwa Pilipino. What we need is proper and efficient implementation of laws...

Is death penalty a PROVEN deterrent to crime? NO.  Show CREDIBLE statistics that will show na crime deterrent nga ang death penalty SA PILIPINAS.  Papatay at papatay pa rin ang mga taong yan hangga’t di sila nasesentensyahan lalo na kung ang pagpatay ang syang kinabubuhay nila...

Nakita ko sa TV last time si Robert Barbers babbling high and mighty about bringing back death penalty. Is that a ‘sincere’ proclamation of his so-called concern for the Philippines or just another campaign spiel, appealing to the emotions of the victims especially of the Filipino-Chinese community para may campaign fund sya sa pagtakbo nya?

Sigurado ba kayo sa justice system natin sa Pilipinas? Talaga bang napaparusahan ang TOTOONG may sala? Kalat na kalat ang bribery sa korte, di mo alam kung ang totoong napaparusahan ay talagang pumatay.  Nabasa ko sa Inquirer last time ang isang UP cum laude graduate who was released lately only after 7 years for a crime he never committed! Imagine nyo yan, pitong taon sa kulungan sa kasalanang di nyo ginawa. Sino ba ang most likely na maapektuhan dito?

Sino ba ang madaling mahuli o mapagbintangan?  Eh di yung mga mahihirap at walang pinag-aralan na madaling madiin; pag mayaman ka at maimpluwensya, bayaran mo lang pulis para di kumanta o kaya tawagan mo yung bayaran mong congressman…Makakakuha ka kaya ng magaling na abogado kung, in the first place, wala kang pambayad?  May tumatagal kayang MGA magagaling at MATITINONG public attorney kung ang bayad ay P18,000/ month kumpara sa private na halos o  sobra P50,000/ month? Ako may kilala akong binayaran ang judge para lang maibaluktot ang desisyon ng korte. May secret “bidding” pang nangyari kasi mayaman din yung kalaban, pilit na tinapatan ang presyo ng desisyon. Tsk, tsk...

Isa pa, naniniwala pa rin ako sa pagreporma ng isang kriminal…(kaya lang haba na nito, next time naman).
Logged
pinay23
Knights
White Book Guru
*****

Karma: +5/-1
Posts: 2070



View Profile
« Reply #25 on: January 29, 2004, 03:18:32 AM »

eto pa. di naman halatang galit ako sa death penalty.  :mrgreen:

Quote from: pinay23
Walang nilalabas na statistics kasi wala naman talagang proof that death penalty is a deterrent to crime sa Pilipinas.  di ibig sabihin na kapag sinusulong ng IBANG mga mambabatas ang pagbalik ng death penalty eh epektibo na sya sa pagsugpo ng krimen.  Lawmakers should be responsible enough to lead public opinion away from this false and simplified belief that the death penalty is an effective deterrent to crime or that retribution/ vengeance justifies the state in killing these prisoners.  

Ang pinag-uusapan nating EPEKTO dito ay matagalang epekto, hindi panandaliang epekto na isang araw eh matatakot ang mga criminal (matatakot nga ba?) at pagkatapos ng ilang buwan na mawalan ng momentum, eh walang nagbago sa rate ng krimen dito sa Pilipinas.  I’ve been wondering, nagdadalawang isip pa kaya ng mga halang ang kaluluwa bago pumatay na may death penalty na naghihintay sa kanila? (Eto seryosong tanong to, hindi pangungutya).  

Dapat nating isipin kung may matagalan nga bang epekto ang death penalty, hindi simpleng pananakot lang and to gain personal satisfaction in our idea of revenge.  Ang siguradong matagalang epekto nito ay pag hinatulan ng kamatayan ang taong walang sala – isang inosenteng buhay ang mawawala, isang pamilya ang mawawalan ng ama, ina o anak.  Eto, hindi lang ito isolated case, masakit mang isipin na napaparusahan ang mga walang sala eh talagang nangyayari ito sa Pilipinas.

I am not stressing na malaking factor ang suporta ng mga negosyanteg intsik para impluwensyahan ang desisyon ng ibang politiko to push for death penalty.  Eto ay isa lamang sa mga factors.  Hindi rin ito malayong rason because a politician can give up his belief in exchange for campaign funds, winning the elections and gaining power.  Mas malaki ang mahihita nya sa mga negosyanteng ito kumpara sa mga squatters na nasa deathrow na puede mong tapatan ng pera ang boto (hindi ko sinasabing lahat ng squatters ay bayaran). Mas marami nga ba ang mga squatters na nasa deathrow kumpara sa mga negosyanteng tsinoy? Sa pagkakaalam ko hindi. Hindi lang mas marami ang mga tsinoy kumpara sa mga nasa deathrow, mas malawak din ang impluwensya nila.

hindi death penalty ang sagot para matakot ang mga criminal. Hindi sila natatakot kasi inaakala nilang makakalusot sila, sa kadahilanang bulok ang pagpapatupad natin ng batas at ang justice system natin.  To quote an article I’ve read somewhere, “criminality should be confronted through 'effective law enforcement, quick and impartial delivery of justice and a responsive penal system'.  Kung hindi natin maaayos ang justice system natin, lalong magkakaproblema tayo sa pagpapatupad ng death penalty.  Are we really punishing the real criminal??? Isa lang to sa mga tanong...

Resorting to death penalty only shows na tinatanggap natin at okay na sating bulok nga ang law enforcement and justice system.  Huwag nating hayaang takpan ng death penalty ang incompetence ng mga pulis at justice system natin.  We should address the problems within the law enforcement agencies and justice system first and let the authorities within these do their job properly.  Hindi natin malulutas nang wasto ang problema if we leap at the imposition of death penalty.

Huwag po tayong magpadala sa bugso ng ating damdamin. Kahit ako man ay gusto din silang patayin agad but we need to think the long-term effects at practicability ng death penalty.
Logged
tsokoholik
Yellow Book Guru
******

Karma: +0/-0
Posts: 163



View Profile
« Reply #26 on: January 29, 2004, 03:47:33 AM »

parang may ganto ding topic sa high I.Q. society? Ndi ako in favor of death penalty.. Kahit anong kasalanan pa ung nagawa ng kapwa natin, anong karapatan nating magdesisyon kung sino ung dapat mamatay and sino ung hindi? Si Lord lang ung may karapatang magdecide nun..
kung ano man ung nagawa nila, the damage has been done.. ndi mapapalitan ng buhay nila ung buhay or dignity na nawala.. lahat tayo may chance magbago.. besides, kahit sabihing nagkamali sila, pagpatay pa rin un.. kaya ano ung pinagkaiba natin sa mga nurderers kung ganon din pala tayo?
...para sa'kin lang un Cool
 
Logged

bwahahaha... lol
buruguduy
Orange Book Guru
********

Karma: +2/-0
Posts: 1362


mand3rd
View Profile
« Reply #27 on: January 29, 2004, 03:53:10 AM »

yan kasing mga nasa death row na yan, nung ginawa ang krimen, walang habas... tapos ngayon, eto sila, nagmamakaawa... ang pagpataw ng death penalty ay pagkundena sa karahasan...
Logged

stunstugudunstuy
Anonymous
Guest
« Reply #28 on: January 29, 2004, 04:03:20 AM »

Ms. Pinay23,

It seems your most compelling reason to vote against the death penalty is because there are no statistics to show that it is an actual deterrent. What kind of statistics do you want, ba? a graph showing the decline of crime (or a particular crime) since the implementation of the death penalty? well I dont think there are any such study made in the phil. setting.

However, I can provide you with american statistics if you wish. I'm sure youll be quite surprised with the outcome...
Logged
pinay23
Knights
White Book Guru
*****

Karma: +5/-1
Posts: 2070



View Profile
« Reply #29 on: January 29, 2004, 04:32:55 AM »

Quote from: Anonymous
Ms. Pinay23,

It seems your most compelling reason to vote against the death penalty is because there are no statistics to show that it is an actual deterrent.


Mr./Ms. Guest,

Looks like this thread is going to be exciting! Statistics issue is ONE of the major, er, compelling reasons, yes.

Quote from: Anonymous
What kind of statistics do you want, ba?


errrmmm...statistics on who is the weakest or the strongest link? no. statistics on deterrence of death penalty.

Quote from: Anonymous
a graph showing the decline of crime (or a particular crime) since the implementation of the death penalty? well I dont think there are any such study made in the phil. setting.


exactly my sentiments, Guest. no such study is made HERE in the phils.

Quote from: Anonymous
However, I can provide you with american statistics if you wish. I'm sure youll be quite surprised with the outcome...


no, it is not my wish to be surprised. thank you.  :mrgreen:
Logged
Pages: 1 [2] 3
  Print  
 
Jump to:  

 
Powered by MySQL Powered by PHP bluBlur Skin © 2006, hbSkins
Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!