|
romanding
|
 |
« Reply #15 on: February 14, 2009, 12:55:46 AM » |
|
kaya siguro wala maxadong pilospo ang pinas dahil wala nga cgurong pilosopiya ang ating bansa..pero dapat bang may pilosopiya ang isang bansa?meron ka bang alam na bansang may pilosopiya?at ano un?...tska naguguluhan na ko sa totoong ibig sa bihin ng pilosopiya..haha..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
ppi
|
 |
« Reply #16 on: February 14, 2009, 04:04:11 PM » |
|
syiempre upang masagot ang tanong,kailangan din naman maging malinaw ang tanong??? sini-sino daw ba ang mga pilosopong pilipino? natural mente,upang masagot yan alamin muna natin kong ano ba ang tinatawag na pilosopo o pilosopiya. Dahil karamihan sa pinoy ang salitang pilosopo ay may kakaibang pagkakaunawa...
Bueno para maiwasan mahabang'wento, subukan nating sagutin ng hinay-hinay..at simple pinoy stayl...
Una, isalin natin sa totoong wikang pilipino ang pilosopo o pilosopiya...pilosopo--sa wikang pinoy,mangangaral,likas na tagapagturo,mahilig magpaliwanag ng samut-saring paksa sa matuwid na pangangatwiran.
pilosopiya--pananaw o pag-aaral sa mga kadahilanan ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng matuwid na pangangatwiran.Lahat ng aralin saklaw yan ng pilosopiya,walang kinikilingan,tinitimbang palagi sa wastong pag-iisip(logic) at tamang gawain(ethics).
Kaya kong bagbabasehan ang mga nasabi ko sa taas ukol sa pilosopo...tiyak marami tayong kilala na hindi lamang kinilala bilang mga pilosopo na pilipino...
Si jose Rizal,na may-akda ng 2 kilalang aklat ay naglalayon na maturuan at mamulat ang pilipino sa kalagayan ng bansa noong kanyang panahon...at magpahangga ngayon ay napapanahon pa nga kong nabibigyan lamang ng sapat na pansin.
Oo, Apolonario Mabini at marami pang iba..
Sa ganang akin itinuturing ko rin mga pilosopo sina Renato Constantino, Claro Mayo Recto...na dapat ang mga itinuturo ng mga ito ay pinag-aaralan sa ating mga paaralan...
..at lahat ng blogger na mahilig magbahagi ng kanikaniyang kaalaman gaano man ito kaliit,pangkaraniwan man o anupaman ay maituturing na pilosopo o namimilosopo...
Maloooom!!!!(arabic)
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
ppi
|
 |
« Reply #17 on: February 15, 2009, 05:36:13 PM » |
|
Maganda marahil dagdagan pa natin ng konti ang usaping pilosopong pinoy....gaya ng nasabi ko sa una ang pilosopiya ay pananaw o pag-aaral o kaisipan sa mga kadahilanan ng mga bagay-bagay o lahat ng bagay, ngunit ito ay sa pamamagitan ng malayang kaisipan, dahil kong tayo ay nababalot o nakakulong sa paniniwala at pananampalataya sa anumang sekta o relihiyon ...tayo ay maituturing na may saradong kaisipan,samakatuwid ang ating pagtuturo ay hindi naaayon sa pilosopiya. Para sa karagdagang liwanag sa araling pilosopiya ika nga' magbigay tayo ng mga bantog at kilalang pilosopo sa kasaysayan ng mundo...sa panahon ng mga Griyego-- Socrates, Plato, Aristotle... sa Asya at Tsina-- Buddha, Confucios, Lao Tsu ...maski ang mga syientipiko o mga dalubhasa sa larangan ng agham ay maituturing na mga pilosopo dahil sa malaya nilang kaisipan... kaya siguro wala maxadong pilospo ang pinas dahil wala nga cgurong pilosopiya ang ating bansa..pero dapat bang may pilosopiya ang isang bansa?meron ka bang alam na bansang may pilosopiya?at ano un?...tska naguguluhan na ko sa totoong ibig sa bihin ng pilosopiya..haha..
Sa isang banda tama ang sinasabi ni romanding na wala nga ata pilosopiya ang 'Pinas, dahil ang ating edukasyon ay maituturing na may saradong kaisipan...dahil kong mapag-obserba tayo,tingnan kong paano tayo magsaliksik (research)...takbo agad sa bahay aklatan(library) o maski sa internet pa...na kong saan punong-puno nman ng mga aklat o mga impormasyon na gawa o likha ng mga dayuhan o ibang lahi...ang mga aklat ay siyang pinakamahusay na "source" ng mga propaganda,ganun din nman ang internet..ang punto ko dito--ang mga dayuhan o interes ng mga "first world country", tuturuan tayo ng mga iyan,pero hindi ang mahahalagang bagay o karunungan na magtutulak sa tunay na pag-unlad sa mga mahihinang bansa...AT DITO PUMAPASOK ANG KAHALAGAHAN NG PILOSOPIYA..ang pagkakaroon ng malaya at independenteng kaisipan at pananaw...dahil sa pilosopiya nabubuo ang mga ideya sa mga suliranin ng buhay o kabuhayan man!!!
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
leux
|
 |
« Reply #18 on: February 15, 2009, 07:09:44 PM » |
|
habang ang HIS ay tigang sa magagandang thread andito naman 'to...
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
romanding
|
 |
« Reply #19 on: February 15, 2009, 09:34:39 PM » |
|
so sa makatawid si rizal nga ay maarin nating masabing pilosopo?sa larangan ng pagsusulat naibahagi nya ang mga nalalaman nya tungkol sa totoong nangyayari sa ating bayan noon..siguro kung hindi sya namatay malaki ang iuundlad ng ating bayan..maliban sa kanya at sa mga pilosopong mga bayani..sino sino ang mga pilosopong pinoy na masasabi mong may naibahagi sa bayan?ngaun lang kasi ako nagkaron ng interes sa mga pilosopong pinoy..at hindi ko napag aralan ang pilosopiya nung college ako..sayang sana kinuha ko ung sunject na un..para mas malinaw sakin at mawari ko ang mga pilosopiya ng isang pilosopo..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
alt+nick
|
 |
« Reply #20 on: February 16, 2009, 06:35:44 PM » |
|
^ maituturing talagang isang pilosopo si Jose Rizal dahil pinatunayan niya sa kanyang panahon ang, sang-ayon sa sinabi ni ppi, "pagkakaroon ng malaya at independenteng kaisipan at pananaw" at ito ay hindi lang dahil sa kanyang naisulat na mga nobela.
kung matatandaan natin sa Philippine History, pinatapon si Jose Rizal sa Dapitan. at napag-aralan din natin na sa loob ng panahong siya'y naka-house arrest kumbaga, marami siyang bagay na nagawa. ilan sa mga ito ay ang proyektong pagpapatubig, matagumpay na pag-oopera sa mata ng kanyang ina, ang kanyang pagkatuklas ng bagong species ng isang organismo na isinunod sa kanyang ngalan bilang pagkilala (Dragon rizali), etcetera.. (marami pa yan hindi ko na nga lang maalala lahat!)
sa halip na magpaka-emo siya dahil siya'y itinaboy ng mga kalaban, pinasya niyang maging well-rounded at naglingkod sa mga mamamayan ng Dapitan. ibig sabihin, nilabanan niya ang ideya ng pagiging exiled na nagdala sa kanya ng constraint (=paninikil sa kalayaan). sa paraang ito naisulong niya ang kanyang rebolusyon sa pagpapalaya ng kaisipan (mula sa kahungkagan) partikular sa ideya ng kalayaan, o mas akmang termino, ng liberty.
i doubt kung may naka-appreciate sa kanyang pananaw na ito noon, sa panahong talamak ang pagdanak ng dugo sa rebolusyong nagsusulong ng Kalayaan. amazing!!!
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
romanding
|
 |
« Reply #21 on: February 16, 2009, 09:45:33 PM » |
|
parang may part rin dun sa dapitan na naging gusro sya..hindi ko lang matandaan..nung mga panahong pinagaaralan pa namin ung buhay ni rizal wala pa kong pakialm nun haha..e si apolinario mabini isa ba tlga syang pilosopo o isang strategist?sabi nga sya ang utak ng himagsikan..so anong kinalaman nun sa pilosopiya?
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
alt+nick
|
 |
« Reply #22 on: February 16, 2009, 11:05:03 PM » |
|
pilosopo si Apolinario Mabini maniwala ka.  patotoo ang kanyang sinulat na La Revolución Filipina bagamat hindi ko personal na nabasa haha! anyway, pwede sigurong pag-ugnayin ang kanyang pagiging utak ng himagsikan sa pagiging pilosopo sa ganang panahon noon ng rebolusyon at gaya ni Rizal, pagbabago, o mas akma, pagtutuwid sa pananaw at pagpapalaya ng kaisipan ang naging misyon ni Mabini. isang konkretong halimbawa nito ang kanyang sinulat na "Ang Tunay Na Sampung Utos Ng Dios" na bahagi ng kanyang ibinalangkas na konstitusyon para sa Unang Republika ng Pilipinas. palagay ko'y ganyan ang pilosopiya. hindi lamang sa pagiging radikal ng ideya kundi sa pagtatama ng isang obsolete o kaya nama'y buktot na paniniwala na kadalasang nagdadala sa sambayanan sa alienasyon.
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
romanding
|
 |
« Reply #23 on: February 17, 2009, 12:55:17 AM » |
|
marahil nga isa syang pilospo..
bale meron na tayong 3 pilosopong pinoy
1.jose rizal 2.apolinario mabini bale pangatlo dapat si francisco balagtas kaso hindi ko pa lubos naiintindihan o hindi pa ko naliliwanagan tungkol sa pilosopiya nya at ung florante at laura ba eh may ibang nilalaman maliban sa storya ng 2 nagiibigan na nauwi sa kamatayan?
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
alt+nick
|
 |
« Reply #24 on: February 17, 2009, 01:48:43 AM » |
|
^ ito ba siya? e parang nakita ko na siya dati somewhere dito sa forum..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
akosialexandria
|
 |
« Reply #25 on: February 17, 2009, 07:03:30 AM » |
|
^si lakandiwa yan.. hindi yan pilosopo.. mahilig lang xa tumula.. ung florante at laura ba eh may ibang nilalaman maliban sa storya ng 2 nagiibigan na nauwi sa kamatayan?
oo naman.. inireleyt ni balagtas si laura sa bansang Pilipinas.. bilang kanyang minamahal..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
romanding
|
 |
« Reply #26 on: February 18, 2009, 01:23:43 AM » |
|
ah..un pala un..bakit hindi sinabi ng titser namin un...tnx mam..
|
|
|
|
|
Logged
|
|
|
|
|
akosialexandria
|
 |
« Reply #27 on: February 18, 2009, 07:44:17 AM » |
|
hmmm.. naisipan kong magtanong kanina sa mga Filipino Teacher tungkol parin sa florante at laura..
-tungkol din pala iyan sa agawan ng teritoryo o kaharian sa pagitan ng mga muslim at katoliko na isang malaking isyu nung panahon ni balagtas..
|
|
|
|
|
Logged
|
keep the music playing..
|
|
|
|
ahsan
|
 |
« Reply #28 on: February 21, 2009, 11:52:13 AM » |
|
hmmm.. naisipan kong magtanong kanina sa mga Filipino Teacher tungkol parin sa florante at laura..
-tungkol din pala iyan sa agawan ng teritoryo o kaharian sa pagitan ng mga muslim at katoliko na isang malaking isyu nung panahon ni balagtas..
talaga mam?!! pde pong pakikwento yong part na yan? (yong agawan chuva) 
|
|
|
|
|
Logged
|
- maginoo pero mejo bastos ang tabas ng dila.
|
|
|
|
akosialexandria
|
 |
« Reply #29 on: February 21, 2009, 08:30:01 PM » |
|
ooops...
Dear Ahsan,
sorry, may karapatan akong hindi ikwento kung anuman ung nais mong ipakwento saken..
dahil nga sa hindi ko alam ang buong detalye kaya nga naisipan ko na magtanung diba???
hindi ako high school filipino teacher.. hindi rin history.. inaamin ko na hindi ko alam, hindi ko kayang ikwento ang buong detalye na ng nais mo ipakwento.. (paulet-ulet)
wak mong asahan na porket teacher ako eh kaya kong ikwento o ituro lahat ng subject.. kaya nga may tinatawag na specialization and major diba? (eh sa science kasi forte ko eh.. )
kung makikipag-usap ka saken tungkol sa relihiyon eh sorry ulrt.. hindi ako interesado..
pede mong basahin ulet ung aklat.. kung gusto mong malaman ang buong detalye o ung part tungkol sa agawan churva na yan.. kung sakaling matagpuan mo ang part na yan at maramdaman mong gumagawa ako ng kwento eh ipangalandakan mo na lang sa thread na ito..
salamat!
-lekz
|
|
|
|
|
Logged
|
keep the music playing..
|
|
|
|