|
|
| Bakit Baligtad Magbasa
ng Libro ang mga Pilipino? |
| |
| |
Ngayong NKKBSKNTLG,
eto na ang sequel...
dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere,
may New Testament ang Old Testament,
at may Toy Story 2 ang Toy Story!
Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan ang
Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga taong
umaakyat ng overpass pero hindi naman tumatawid. Pero alam
mo na rin ba kung bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang
mga Pilipino? Kung ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino
sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima?
Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano ang
nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang alam ni Claire
Danes na hindi mo alam? At kung bakit nagbabasa pa rin ang
mga Pilipino kahit sabihan pang "Bawal Basahin ang Nakasulat
Dito"? |
|
|
|